Batang Manloloko
nakakakalat sa lahat ng kanto
nag aabang ng mauuto
pag nagkataon pa manggugulo
Batang Manloloko
sa murang edad nasanay maging loko
sinubukan sari saring bisyo
binabaon ang sarili sa kalaboso
Bat-Man
kilala kang namamalimos
pag hindi nakatingin parang palos
manguha ng hindi sayo halos
pang kain laging hikahos
Bat-Man
kang maituturing
wag mong sasayangin
ang buhay na iyong angkin
ang pagbabago ay iyong mithiin
ang pagbabago ay iyong kamtin
No comments:
Post a Comment