Tuesday, December 15, 2015

Piso

juan anong gusto mo
Piso na nakaukit si idolo
Piso na gusto ng manloloko
Piso na lumiit ang presyo

Sa bayan natin
Pera ay madaling kitain
Buwis kukunin
Kapangyarihan aangkinin

Sa bayan natin
Maraming mga alipin
Maraming mayayaman din
Silang iilan nagtatago sa dilim

Sa bayan natin
Kilala ang korapsyon
Maging si kapitan asyong
Kahit ung junior nyang nagsasabong

Sa bayan natin
Ubos na ang pagtataniman
Kinuha na ng developer ng land
Kawawa naman ang mga katutubong naiwan

Piso para sa bayan
Ibabato sa mga pulitikong angkan
Ipapakain sa mga damak na businessman
Piso para sa bayan

No comments:

Post a Comment