Dumating na ang oras ng pagkikita
Gusto ko ng bilisan ang takbo
Sumakay sa mabilis na motorsiklo
Liparin para makita ka
Nakakamiss makita ang iyong ngiti
Kahit hindi mo ko pinapansin dati
Panahon na siguro upang bumati
Hayaan mo lang ako kahit itong sandali
Ikaw lamang ang nilalaman
Ng puso ko
Ikaw lamang ang naririto
Ikaw lamang ang hinahanap
Ng puso ko
Ikaw lamang ang susi ng ligaya ko
Naguusap ang mata
Naghahanap ng sasabihin pa
O ikukwento na masaya
Wag sanang matapos tong araw na kasama ka
Hindi ko alam kung saan paglalagyan ang saya
Sa iyong ngiti nauupos ako at natutulala
Sana bumagal ang oras nating dalawa
Ayokong matapos ito na hindi ka kasama
Ikaw lamang ang nilalaman
Ng isip ko
Ikaw lamang ang naririto
Ikaw lamang ang hinahanap
Ng isip ko
Ikaw lamang ang susi ng ligaya ko
Ikaw lamang ang nasa
Isip at puso ko
Ikaw lamang ang
Hinahangad na makasama
Ikaw lamang ang buhay ko..
No comments:
Post a Comment