Gisingin mo ako
Ngayong gabing mahimbing
Ang pagtulog habang yakap ka
At hawak ang iyong kamay
Ayoko ng matapos ang gabi
Sa panaginip na hatid ay kasiyahan
Napupuno ang puso sa kagalakan
Kung panaginip ito
Sana tumigil na lang ang mundo
Umikot lang sa ating dalawa
Habang magkayakap at magkasama
Sa iyo ko na iaalay
Ang buhay na makulay
Sa sayang hindi mawawalay
Sa tabi mo habang buhay
Kung panaginip ito
Sana huminto na lang ang mundo
Iikot lang sa ating dalawa
Habang may halik na madadama
No comments:
Post a Comment