Kanina pa kita pinagmamasdan
Parang may hinahanap
Napapa linghap
Kinakabahan
Mga mata mo ay naluluha
Sobrang sakit na ba
Napapagod ka ba
Huminto ka na muna
Luha mo'y tuluyang tumulo
Kasabay ng iyak
Puso nabibiyak
Ng malaman ang totoo
Nakita mo silang magkayakap
Mukha'y nabago
Galit tinamo
Susugod ba o lalayo?
Baka gusto mo tignan ang likod
Nandun ako
Nag aabang
Nagmamahal sa iyo
At ng maging bago sa iyong paningin
At ng maging sayo ako hanggang takip silim
No comments:
Post a Comment