Thursday, December 17, 2015

Salagubang ng Kahapon

Mag isa ka sa tabi
nasa sulok humihikbi
pilit sinasagot ang mali
ng salagubang ng kahapon na sandali

Sa lungkot na iyong dala
panyo mo basang basa na
may sulusyon pa ba
sa pag subok na iyong dinadala

Buntis ka, iniwanan ka nya
pagtatapat mo hindi kinaya
sa mga magulang na nasa probinsya
paano ang pagsilang nitong bata

Pangarap mo'y nauupos na
dumidilim ang paligid ng kusa
wala ng liwanag na nakikita
tapusin ang buhay ang binabadya

Gumising ka, harapin mo
pagsubok na yaring kakayanin mo
wag kang sumuko sa problemang nasa saiyo
manalig ka lahat yan mababago

Buhay ng bata ay biyaya
makakaya mo yan kahit hindi siya kasama
magtapat ka lang at maging totoo
pagbabago mapapa saiyo..

iwasan mo ang maging salagubang sa kahapon
dahil ang mundo ay hindi titigil umikot at umahon.

No comments:

Post a Comment