Sunday, December 20, 2015

Weyting

Maghapon nag aabang
Kung ang bus ay dadaan
Para masilayan ka
Kasi uuwi ka na

Sabi mo sa text maaga ka
Kanina pa ako dito ako ay gutom na
Tumilaok na ang manok san ka na
Aabutin ba ako ng paglubog ng araw weyting pa..

Mahirap talaga pag nag aabang
Naubos na ang yosi sa bulsa natapon na sa daan
Saan kaya ako makaka dyingel man lang
Pati ba naman ito ay aking kakalimutan

Mahalko gabi na wala ka pa
Uuwi na ba o mag hihintay pa
Uuwi ka ba o hindi na
Sana sinabi mo ng maaga
Para weyting ay hindi ko napala

No comments:

Post a Comment