Isa akong taga hanga mo
halos lahat ng tape ay mayron ako
sinusundan mga kanta mo
inaabangan mapatugtog sa radyo
Solid ako sa banda nyo
pag kayo na ang kumanta ay idolo
nagpahaba pa ng buhok para pareho tayo
iinom ng alak at sisinghot ng sigarilyo
Ilang dekada na ba nandyan kayo
ilang pagsubok na ba nabalita sa inyo
pero dahil solid ang grupo nyo
grupo namin napapasabay sa tugtog nyo
Solid na maituturing
paglikha ng kanta ay hindi boring
sumasabay sa ano mang panahon
aabot pa ng ilang dekada at taon
Mabuhay ang musikang ginawa nyo
darating din ang araw babalikan ito
ng bagong kagaya ko
ng bagong mag iidolo sa grupo nyo.
No comments:
Post a Comment