May sasabihin ka
Gusto mo tayo magkita
Ikukuwento mo ang iyong napala
Nagkita sa coffee shop
Tahimik na naglalakad
Uupo ng may luha
Bakit anong nangyari ? Ano iyong napala?
Iniwanan ka pala
Ng panget mong boyfriend
Bilang kaibigan nandito until the end
Sana naman tumahan ka na friend
Habang ikaw ay nag dadada
Hindi ko mapigilan lumuha
Napapaiyak bakit ikaw pa
Ang nagdudusa hindi siya
Lagi naman ako sa tabi mo
Hindi kita iiwan yan ang pangako
Magmamahal sa iyo ng patago
Sa tabi mo , nakaabang sa pag ibig mo
Pinilit kitang maging masaya
Binili mga gusto mong chicha
Kahit said na ko budget sige pa
Basta para sayo , masaya na
Kinakantahan ka pa
Boses kong sintunadong bihasa
Mapatawa ka lang
Ok na
Nandito naman ako sa tabi mo
Hindi kita papaiyakin yan ang pangako
Magmamahal sa iyo ng kahit patago
Sa tabi mo , nakaabang sa pag ibig mo
No comments:
Post a Comment