Thursday, December 17, 2015

Hindi kita Malilimutan


Dami mo ng inutang sa akin
yung bayad parang ayaw mong banggitin
ang lakas pa ng loob mong sabihin
sa susunod na linggo mo iaabot sa akin

lumipas na ang araw , buwan at taon
yung inutang mo sadya atang binaon
araw araw ka pang dumadaan 
parang ok lang sayo na hindi ako bayaran

kung alam mo lang kung saan galing un
hindi ako nakasahod dahil binayaran ko un
taena ka sobrang kapal ng mukha
nakuha mo pang kunin akong ninong etong makalawa

sa sobrang yabang ng iyong dating
lahat ng bagyo kasing lakas ng feeling
pero ang mga inutangan kinakalimutan din
sa inuman bida ka sa gastusin


Hindi kita malilimutan
kakantahin ko yan sa libing mo hunghang
abuloy na lang ang bayad sa utang
Hindi talaga kita makakalimutan gahaman


No comments:

Post a Comment