Thursday, December 31, 2015

Putukan na!

Bagong taon na
Magpaputok na
Ilabas ang torotot na dala
Hipan ng malakas na may saya

Wag kang matakot
Harapin ang mga sigalot
Mawawala din yan
Kasabay ng paglipat ng taon nyan

Halika na magpaputok
Mas maganda magtorotot
Sumabay ka na lang sa tugtog
Kampana ay pipitik at mabubusog

Ihanda na ang pag kain
Tumalon na rin pagsapit ng dilim
Baka madagdagan ang height
Wag lang ang iyong weight

Putukan na
Mag ingay pa
Salubungin na
Ang bagong taon na kay saya

No comments:

Post a Comment