Maghapon nakatunganga
hindi malaman kung san na sila
inaabangan ang oras sa sala
kung darating ba o magsosolo na lang na
Naalala ko pa noon
pag ganitong panahon
kumpleto ang grupo maghapon
mag iinuman umaga hanggang hapon
Masarap balikan ang dati
masasaya kahit sandali
saan mang bagay laging nagmamadali
sa kalikutan hindi mapakali
Ilang taon na ba ang lumipas
pawang natira mga larawang kupas
binabalikan ang nakaraan
bakit kaya nagbago na ng daan
May iba nasa ibang bansa
yung iba nandito man hindi makita
abala na sa kanilang pamilya
san na nga ba sila ?
Sasalubungin ang bagong taon
sosolohin na lang ang nasa baso
iinom na lang mag isa at magtatanong
san na nga ba sila ngayon?
No comments:
Post a Comment