bakit ka kinakabahan?
Nakikita mo naman
Lahat sila gusto ka
Kung papairalin mo yan
Sayang ka.
Bakit ka kakabahan?
Magsabi ng totoo
Alam mo naman
Yan ang nararapat sa tao
Matuwa ka.
Bakit ka kakaba kaba?
Kung ang pagkakamali
Maaari ka naman mag tapat
Kasalanan mo ang nangyari
Maging totoo ka.
Bakit laging may kaba?
Wag mo sayangin ang sandali
Mawawala yan sa kakamadali
Mapapaisip ka na
Mang hihinayang sa nagawang mali.
Bakit ba may kaba?
Kung papairalin natin ay tapang
Sa katotohanang
Naggagaling sa puso na
Magbibigay lakas loob kumalma..
No comments:
Post a Comment