Saturday, December 5, 2015

Paskong Tuyo

Ang lamig na ng hangin sa labas
Ramdam na ang disyembre
Bakit ganito na naman
Parang walang pinagbago sa nakaraan

Aabutan ng buwan sa labas
Makikinig ng karoling na kupas
Sadya atang walang laman ang bulsa
Pambigay na piso nawawala pa

Buhay tuyo ang sasapitin
Pag tayo ay walang makain
Pasko sa ilan ay masaya
Sa atin mahirap makuha ang ligaya

Pasko na naman
Sa puso natin ay masaya
Kahit wala man lang
Kahit bulsa ay walang laman


No comments:

Post a Comment