Thursday, December 31, 2015

Pera

Nakasimangot
Kitang kita ang gusot
Bakit ayaw lumimot
Kahapong nakakayamot

Pera ay problema
Problema pano magkapera
Nakikipag patintero sa karma
Sisiraan ang iba para sa pera

Muka ka ng pera
Perang peranf korteng mukha
Nababalot ng perang hindi kanya
Pera pala na ng galing sa hampas lupa

Napapalibutan ng karma
Ang taong ganid sa pera
Sinasamba ang pera
Ikakanulo kahit ang pamilya

Ng dahil sa Pera

Putukan na!

Bagong taon na
Magpaputok na
Ilabas ang torotot na dala
Hipan ng malakas na may saya

Wag kang matakot
Harapin ang mga sigalot
Mawawala din yan
Kasabay ng paglipat ng taon nyan

Halika na magpaputok
Mas maganda magtorotot
Sumabay ka na lang sa tugtog
Kampana ay pipitik at mabubusog

Ihanda na ang pag kain
Tumalon na rin pagsapit ng dilim
Baka madagdagan ang height
Wag lang ang iyong weight

Putukan na
Mag ingay pa
Salubungin na
Ang bagong taon na kay saya

Tuesday, December 29, 2015

San na nga ba sila?

Maghapon nakatunganga
hindi malaman kung san na sila
inaabangan ang oras sa sala
kung darating ba o magsosolo na lang na

Naalala ko pa noon
pag ganitong panahon
kumpleto ang grupo maghapon
mag iinuman umaga hanggang hapon

Masarap balikan ang dati
masasaya kahit sandali
saan mang bagay laging nagmamadali
sa kalikutan hindi mapakali

Ilang taon na ba ang lumipas
pawang natira mga larawang kupas
binabalikan ang nakaraan
bakit kaya nagbago na ng daan

May iba nasa ibang bansa
yung iba nandito man hindi makita
abala na sa kanilang pamilya
san na nga ba sila ?

Sasalubungin ang bagong taon
sosolohin na lang ang nasa baso
iinom na lang mag isa at magtatanong
san na nga ba sila ngayon?

Wednesday, December 23, 2015

Pag-ibig

Ang pagibig ko sayo kakaiba
Hindi nila makakaya
Eto ay hindi nababahala
Basta lagi kang kasama

Ang pag ibig ko sayo ay tapat
Kahit ayaw ka ng lahat
Mundo nati'y hindi sapat
Pero nanatili kasi ito ang dapat

Ang pag ibig ko sayo totoo
Tanungin mo pa ang lolo ko
Saksi sila sa pag ibig laan sayo
Kahit ikaw ay nasa ibang ibayo

Ang pag ibig ko sayo ay hindi sakim
Kaligayahan mo aking kakamtim
Ilalayo ang sa sarili sa dilim
Kahit pa umabot at kumapit sa patalim

This is the day

Ready your self to Him
Make praise because this is His day
Forget the past
Forgive those who have sinned

Sing a song
A song of praise
Believe in Him
Have Faith in Him

Enjoy the day
Give Him a pray
Thank Him
Because He's everything

Love those among men
Be forever glad until then
Let's glorify His love
And acknowledge Him above

Give thanks
Send pray
Text His words
All over the world.

Sunday, December 20, 2015

Weyting

Maghapon nag aabang
Kung ang bus ay dadaan
Para masilayan ka
Kasi uuwi ka na

Sabi mo sa text maaga ka
Kanina pa ako dito ako ay gutom na
Tumilaok na ang manok san ka na
Aabutin ba ako ng paglubog ng araw weyting pa..

Mahirap talaga pag nag aabang
Naubos na ang yosi sa bulsa natapon na sa daan
Saan kaya ako makaka dyingel man lang
Pati ba naman ito ay aking kakalimutan

Mahalko gabi na wala ka pa
Uuwi na ba o mag hihintay pa
Uuwi ka ba o hindi na
Sana sinabi mo ng maaga
Para weyting ay hindi ko napala

Saturday, December 19, 2015

Dyosa sa likod ng kamera

Nakakasilaw ang iyong galawan
Lalo na ang iyong katawan
Panalong panalo sa indakan
Kurbang hindi mapantayan

Parang masisira ang entablado
Pag ikaw ay sumayaw at tumotodo
Tulo laway punas kamay
Ang sarap sa iyo sumabay

Ikaw ay dyosa sa likod ng kamera
Napapaindak pag tumugtog na
Sumasabay ang kombo na
Nagpapa saya pa sa tonong hinibla

Sabayan na ang dyosa
Umindak ng masaya
Laway ay punasan na
Ang party ay umpisahan na

Ako na ba?

Sa iyong biro
Pag ibig nabuo
Pilit tinatago
Unti unting nalilito

Pag tumingin ka na
Biglang natutulala
Nauubos ang salita
Napapalunok pag ngumiti ka pa

Ilang beses na bang ganito
Pilit kong tinatago
Tinatanong sa isip ko
Ikaw na ba laman ng puso ko

Sa tuwing tayo ay magkasama
Hindi mapigilang matuwa
Paghawak mo aking kamay
Buhay ko napupuno ng kulay

Ako na ba
Ang laman ng puso mo
Nagdadasal pa nga
Sana mahalin mo rin ako

Halaga

Ano nga ba ang ibig sabihin
Nitong buhay natin
Tinatanong naghahanap
Ng kasagutang sobrang ilap
Napapa hinto sa kawalan
Bakit ang sagot ay kailangan

Ilang taon na ba ang nakalipas
Hindi ko na matandaan sa sobrang bilis ng oras
Hindi ko na rin maalala mga taong nilapitan
Papaano at tatanungin kung kailan
Hindi mawari kung ano ang kailangan
Nabigyan na ng buhay sagana
Bakit tila unti unting nawawala

Mayron ba akong nakaligtaan
Ang pagtawag sa Panginoon nabawasan
Humihingi ako ng patawad sa kasalanan
Natutulala bakit ito ang hinantungan
Unti unti bang kukunin
Wag naman po sana kami ay patawarin
Ang pagkakamali ay amin
Ang pagpapatawad ang hinihingi namin

San ba makikita ang halaga?
Nanlulumo na at nawawala
Ito ba dapat ibigay sa wala
At bumangon sa pag gising ng bagong umaga..

Thursday, December 17, 2015

Hindi kita Malilimutan


Dami mo ng inutang sa akin
yung bayad parang ayaw mong banggitin
ang lakas pa ng loob mong sabihin
sa susunod na linggo mo iaabot sa akin

lumipas na ang araw , buwan at taon
yung inutang mo sadya atang binaon
araw araw ka pang dumadaan 
parang ok lang sayo na hindi ako bayaran

kung alam mo lang kung saan galing un
hindi ako nakasahod dahil binayaran ko un
taena ka sobrang kapal ng mukha
nakuha mo pang kunin akong ninong etong makalawa

sa sobrang yabang ng iyong dating
lahat ng bagyo kasing lakas ng feeling
pero ang mga inutangan kinakalimutan din
sa inuman bida ka sa gastusin


Hindi kita malilimutan
kakantahin ko yan sa libing mo hunghang
abuloy na lang ang bayad sa utang
Hindi talaga kita makakalimutan gahaman


Ang mamatay ng dahil sa inyo


mga kamay tingib ng galit
inaabangan ang utos ng isa pang galit
pupulbusin ang kalabang lalapit
papatayin ang gustong sumipsip

nasa kamay mo ang pag kitil
ng buhay ng ibang sa utos ay pigil
silang nasa likod na pasakit
silang takot humarap sa gerang pitik

sino ba sila ?
may pasumpa sumpa pa
kaya ba nilang lumaban ng harapan
at maki pag sabayan sa balang nasa harapan

ang mamatay ng dahil sa inyo
hindi na ata ito kasama sa prinsipyo
ang mamatay ka ng dahil sa kanilang bisyo
pati pamilya mo nakasalalay at nakakandado


Solid


Isa akong taga hanga mo
halos lahat ng tape ay mayron ako
sinusundan mga kanta mo 
inaabangan mapatugtog sa radyo

Solid ako sa banda nyo
pag kayo na ang kumanta ay idolo
nagpahaba pa ng buhok para pareho tayo
iinom ng alak at sisinghot ng sigarilyo

Ilang dekada na ba nandyan kayo
ilang pagsubok na ba nabalita sa inyo
pero dahil solid ang grupo nyo
grupo namin napapasabay sa tugtog nyo

Solid na maituturing
paglikha ng kanta ay hindi boring
sumasabay sa ano mang panahon
aabot pa ng ilang dekada at taon

Mabuhay ang musikang ginawa nyo
darating din ang araw babalikan ito
ng bagong kagaya ko
ng bagong mag iidolo sa grupo nyo.

Bat-Man


Batang Manloloko
nakakakalat sa lahat ng kanto
nag aabang ng mauuto
pag nagkataon pa manggugulo

Batang Manloloko
sa murang edad nasanay maging loko
sinubukan sari saring bisyo
binabaon ang sarili sa kalaboso

Bat-Man
kilala kang namamalimos
pag hindi nakatingin parang palos
manguha ng hindi sayo halos
pang kain laging hikahos

Bat-Man
kang maituturing
wag mong sasayangin
ang buhay na iyong angkin
ang pagbabago ay iyong mithiin
ang pagbabago ay iyong kamtin

Salagubang ng Kahapon

Mag isa ka sa tabi
nasa sulok humihikbi
pilit sinasagot ang mali
ng salagubang ng kahapon na sandali

Sa lungkot na iyong dala
panyo mo basang basa na
may sulusyon pa ba
sa pag subok na iyong dinadala

Buntis ka, iniwanan ka nya
pagtatapat mo hindi kinaya
sa mga magulang na nasa probinsya
paano ang pagsilang nitong bata

Pangarap mo'y nauupos na
dumidilim ang paligid ng kusa
wala ng liwanag na nakikita
tapusin ang buhay ang binabadya

Gumising ka, harapin mo
pagsubok na yaring kakayanin mo
wag kang sumuko sa problemang nasa saiyo
manalig ka lahat yan mababago

Buhay ng bata ay biyaya
makakaya mo yan kahit hindi siya kasama
magtapat ka lang at maging totoo
pagbabago mapapa saiyo..

iwasan mo ang maging salagubang sa kahapon
dahil ang mundo ay hindi titigil umikot at umahon.

Birthday Mo


Magpalamig ka na 
dagdagan mo pa ng machichicha
siguradong magiging bongga
ang araw mo ngayong birhtday mo na

ilabas na ang videoke
kumuha ka pa ng mic dre
kukulangin ang dalawa pag umere
siguradong full blast ang speaker mo pre

birthday mo na
pakanton ka na
inumin sama mo na
kantahang may isasaya pa

birthday mo na
lahat ay matutuwa
lahat ay sasaya
basta kasama ka

lasingin mo na 
ang lalamunan kong hindi nadadala
dagdagan mo pa
ang budget mo, aabot to hanggang umaga

Boss-sa-boss

boss kong malupit
naghihintay ng makakalabit
maliit o malake basta ok pumihit
matuloy lang ang balak na pangit

boss kong masungit
sinasabayan pa ng galit
lahat inaaway sa pilit
kahit masikip sisingit

boss kong malupit
lahat ng tao sayo kumakapit
dahil madalas mong ginigipit
nagmamadali ka ba sa langit

boss kong masungit
boss kong malupit
boss kong pangit
kasamaan abot langit

Wednesday, December 16, 2015

Christmas is here

Everyone is ready
Everyone is happy
Even in the rain
Kids play again and again

Wrap your gift
Exchange it with your friends
Make a Christmas shopping
Just dont forget about my thing

Christmas rush
Travelling is not so fast
Traffic all over the metro
But still there's a smile in you

Let's sing another Christmas song
Smile and laugh all day long
Dont let fear stop you
Just celebrate of Christmas in you

Tuesday, December 15, 2015

Piso

juan anong gusto mo
Piso na nakaukit si idolo
Piso na gusto ng manloloko
Piso na lumiit ang presyo

Sa bayan natin
Pera ay madaling kitain
Buwis kukunin
Kapangyarihan aangkinin

Sa bayan natin
Maraming mga alipin
Maraming mayayaman din
Silang iilan nagtatago sa dilim

Sa bayan natin
Kilala ang korapsyon
Maging si kapitan asyong
Kahit ung junior nyang nagsasabong

Sa bayan natin
Ubos na ang pagtataniman
Kinuha na ng developer ng land
Kawawa naman ang mga katutubong naiwan

Piso para sa bayan
Ibabato sa mga pulitikong angkan
Ipapakain sa mga damak na businessman
Piso para sa bayan

Korap

Eto na ang eleksyon
Maglalabasan ang korapsyon
Dito sa buong nasyon
Silang puro na lang imahinasyon

Mga pangakong napapako
Matatamis na salitang binabato
Akala mo kung sino
Siya pala ay nakatagong demonyo

Huwag maniwala sa mga gago
Mababait pag kakandidato
Mga gunggong na manloloko
Kahit kabila kabila ang kaso

May matino pa bang tatakbo
Magiging tapat na pangulo
Baka mamajic ulit ito
Dayaan sa malawakang boto

Silang mayayaman na demonyo
Nagbibigay ng pera kahit kanino
Kukunin ang simpatiya ng tao
Pag talikod minumura ang tao

Korap na gobyerno
Korap na pulitiko
Silang mga trapo
Sayang lang ang boto

Sa tabi mo

Tumawag ka 
May sasabihin ka 
Gusto mo tayo magkita
Ikukuwento mo ang iyong napala

Nagkita sa coffee shop
Tahimik na naglalakad
Uupo ng may luha
Bakit anong nangyari ? Ano iyong napala?

Iniwanan ka pala
Ng panget mong boyfriend
Bilang kaibigan nandito until the end
Sana naman tumahan ka na friend

Habang ikaw ay nag dadada
Hindi ko mapigilan lumuha
Napapaiyak bakit ikaw pa
Ang nagdudusa hindi siya

Lagi naman ako sa tabi mo
Hindi kita iiwan yan ang pangako
Magmamahal sa iyo ng patago
Sa tabi mo , nakaabang sa pag ibig mo 

Pinilit kitang maging masaya
Binili mga gusto mong chicha
Kahit said na ko budget sige pa
Basta para sayo , masaya na

Kinakantahan ka pa 
Boses kong sintunadong bihasa
Mapatawa ka lang 
Ok na

Nandito naman ako sa tabi mo
Hindi kita papaiyakin yan ang pangako
Magmamahal sa iyo ng kahit patago
Sa tabi mo , nakaabang sa pag ibig mo 

Sunday, December 13, 2015

Berta


Berta naligo ka na ba
Nag aabang na sayo si aga
Kanina pa yan nakaupo sa sala
Lahat ng magasin nabasa na

Berta, berta nasaan ka
Kuya mo hinahanap ka
Pinag higaan mo kinalimutan na
Katamaran mo malala na

Berta berta magbago ka na
Wag mo sayangin, bumangon ng umaga
Maging halimbawa 
Gumawa ng tama

Berta bakit madamot ka
Busog ka na sumisige ka pa
Hindi mo ba alam may kakain pa
Paano na pag dating nila
Pagkain inubos mo na

Bago sa Paningin

Kanina pa kita pinagmamasdan
Parang may hinahanap
Napapa linghap
Kinakabahan

Mga mata mo ay naluluha
Sobrang sakit na ba
Napapagod ka ba
Huminto ka na muna

Luha mo'y tuluyang tumulo
Kasabay ng iyak
Puso nabibiyak
Ng malaman ang totoo

Nakita mo silang magkayakap
Mukha'y nabago
Galit tinamo
Susugod ba o lalayo?

Baka gusto mo tignan ang likod
Nandun ako
Nag aabang
Nagmamahal sa iyo
At ng maging bago sa iyong paningin
At ng maging sayo ako hanggang takip silim

Kapaligiran

Ako ay nabigla sa aking nakita
Kagandahan ng langit at lupa
Luntiang pananim ang makikita
Dito sa na-miss kong probinsya

Ang hangin ay kay lamig
Sumisipol pa kasabay ng pag ibig
Nais ko pang manatili dito
Malasap ang hiwaga ng baryo

Mga ibon na nangungusap
Rinig mo ang himig nilang lahat
Mga hayop na nasa kapaligiran
Masayang naghahabulan

Ang sarap namnamin ang sandali
Mga mata at puso ko ay mali
Kung ako ay dati nanatili
Simple buhay ay madali

Friday, December 11, 2015

Got to stop now

i have something to say
You must know today
All of your doubts is true
I hope you will forgive me too

Lord give me strength
For i want to her be safe
I know there will be another way
Guide me on how i will say

You give the best for me
Hoping we will be free
Loving me endlessly
Sadness strikes in me

I dont want to hurt you bad
But i want you to know that
I had cheated you
Please forgive me lets start a new

Monday, December 7, 2015

pesbuk

Hindi ka ba napapagod
Maghapon ka ng online brod
Pag gising pa lang checking your status
Newsfeed sa pesbuk mong single status

Makikibalita sa newsfeed ng iba
Nagaabang ng bagong upload na katha
Makikipag chat hanggang sa umaga
Bakit ba hindi ka magluto at ng matuwa ang mama

Magandang chicks na apps ang may likha
Nakipag eyeball bigla kang natulala
Lintik kasi yung picture nadaya
Gusto mo ng tumakbo dahil siya ay bakla

Ngawa ngawa ka sa pesbuk
Ung kaeyeball mo kasi ang face puro bukbuk
Kaya matuto sa nangyari
Wag na mag online lagi

i'm coming for you

I would like to tell you
How i miss you
How i love you
That's why i'm coming for you

Just say when i arrive
I would like you to be my wife
Though im far away tonight
I'm coming for you in your dream tonight

My love for you
Harder than any one beside you
Softness of heart meant for you
That's why i'm coming for you

Sending my love and heart
I know you will keep it up
Together we will be as one
I'm coming for you at the right time

Naryan ka lang pala

Sa umagang kay ganda
Naririnig ang ganda ng harana
Kantang makabago o luma
Napapasabay sa makata

Tatayo sa higaan na may ngiti
Naaalala ang bawat sandali
Titingin sa aking katabi
Nanryan ka pala simula kagabi

Tayo ng kumain
Pagsaluhan pagkaing marami
Magkwentuhan tungkol sa dati
Araw araw laging may ngiti

Uupo sa sala iinom ng kape
Magsisimulang magbahagi
Titingin sa aking tabi
Naryan ka pala sana ay wag ka ng umuwi

Bakit pa ko aalis at magmadali
Kung nanryan ka sa aking tabi
Titigil ang mundo natin pag gabi
Umabot man ng umagang nakangiti

pagkakataon

Dati ang saya pa natin
Hindi alintana ang pagsapit ng dilim
Magkatabi at magkayakap
Alaala pa ang ngiting nalalasap

Maghapon nag kwekwentuhan
Ng kung ano anong maisipan
Habang nakatitig sa iyong mata
Iyon lang ang mahalaga

Nasaan na ba ang nakaraan
Na dati nating pinagsamahan
Dahil lang ba sa isang pagkakamali
Paghihiwalay ang iyong  pinili.

Humihingi sa iyo ng isa pang pagkakataon
Na muli nating maibalik ang kahapon
Nagsusumamo tanggapin mo patawad ko
Nais maibalik ang dating tayo

Saturday, December 5, 2015

Tayo na!

Handa na ba ang lahat
Ung tambol at gitara
Nakatono na ba
Tayo na kakanta

Pasko na
Simulan na
Ihanda na
Inumin at gitara

Mula umaga hangang gabi
Gabi aabot ng umaga uli
Iinom na wala iniintindi
Umpisahan na natin dali

Ilabas na ang pagkaing inihanda
Kahit pa tira-tira pa yan ok na
Basta sama sama tayong sasaya
Kasabay ang lahat ng mga bata

Itagay na ang baso
Beer or empi ok na ko
Kakain hanggang maimpatso
Kahit pa matumba sa bangko

Tayo na
Tayo na
Umpisahan ang saya
Mula gabi hanggang umaga

For fun

this is life
Make it bright
Good at night
Dont have to fight

Spray your fave perfume
Make yourself bloom
Become one tonight
Dont worry everythings will be alright

If i dont make it tonight
Just stay there dont be fright
I'll be there no matter what
Always remember that

Come to my senses
I want to feel and taste it
How beautiful you are
How wonderful we are

Let me guide you now
I'll let you walk out of sorrow
Giving you the best of me
Together we will be free

Paskong Tuyo

Ang lamig na ng hangin sa labas
Ramdam na ang disyembre
Bakit ganito na naman
Parang walang pinagbago sa nakaraan

Aabutan ng buwan sa labas
Makikinig ng karoling na kupas
Sadya atang walang laman ang bulsa
Pambigay na piso nawawala pa

Buhay tuyo ang sasapitin
Pag tayo ay walang makain
Pasko sa ilan ay masaya
Sa atin mahirap makuha ang ligaya

Pasko na naman
Sa puso natin ay masaya
Kahit wala man lang
Kahit bulsa ay walang laman


Thursday, December 3, 2015

Panaginip

Gisingin mo ako
Ngayong gabing mahimbing
Ang pagtulog habang yakap ka
At hawak ang iyong kamay

Ayoko ng matapos ang gabi
Sa panaginip na hatid ay kasiyahan
Napupuno ang puso sa kagalakan

Kung panaginip ito
Sana tumigil na lang ang mundo
Umikot lang sa ating dalawa
Habang magkayakap at magkasama

Sa iyo ko na iaalay
Ang buhay na makulay
Sa sayang hindi mawawalay
Sa tabi mo habang buhay

Kung panaginip ito
Sana huminto na lang ang mundo
Iikot lang sa ating dalawa
Habang may halik na madadama

Wednesday, December 2, 2015

Ikaw lamang

Dumating na ang oras ng pagkikita
Gusto ko ng bilisan ang takbo
Sumakay sa mabilis na motorsiklo
Liparin para makita ka

Nakakamiss makita ang iyong ngiti
Kahit hindi mo ko pinapansin dati
Panahon na siguro upang bumati
Hayaan mo lang ako kahit itong sandali

Ikaw lamang ang nilalaman
Ng puso ko
Ikaw lamang ang naririto

Ikaw lamang ang hinahanap
Ng puso ko
Ikaw lamang ang susi ng ligaya ko

Naguusap ang mata
Naghahanap ng sasabihin pa
O ikukwento na masaya
Wag sanang matapos tong araw na kasama ka

Hindi ko alam kung saan paglalagyan ang saya
Sa iyong ngiti nauupos ako at natutulala
Sana bumagal ang oras nating dalawa
Ayokong matapos ito na hindi ka kasama

Ikaw lamang ang nilalaman
Ng isip ko
Ikaw lamang ang naririto

Ikaw lamang ang hinahanap
Ng isip ko
Ikaw lamang ang susi ng ligaya ko

Ikaw lamang ang nasa
Isip at puso ko
Ikaw lamang ang
Hinahangad na makasama
Ikaw lamang ang buhay ko..

Tuesday, December 1, 2015

Saw You


It's been a while my friend
Where have you been
What happened to you
For those years , i missed about you

I heard something happened to you
And i'm sorry to hear how bitter for you
You had a rough time on your way 
I know prayer can wash it away

I'm still reminiscing the past
Your face so bloom forever last
Giving out of tune it was
Just let it be , make it fast

I'm still here for you
My heart is always point at you
Those flowers i gave it to you
Those poem i made it for you
This will remind how beautiful of you..

Kaba

bakit ka kinakabahan?
Nakikita mo naman
Lahat sila gusto ka
Kung papairalin mo yan
Sayang ka.

Bakit ka kakabahan?
Magsabi ng totoo
Alam mo naman
Yan ang nararapat sa tao
Matuwa ka.

Bakit ka kakaba kaba?
Kung ang pagkakamali
Maaari ka naman mag tapat
Kasalanan mo ang nangyari
Maging totoo ka.

Bakit laging may kaba?
Wag mo sayangin ang sandali
Mawawala yan sa kakamadali
Mapapaisip ka na
Mang hihinayang sa nagawang mali.

Bakit ba may kaba?
Kung papairalin natin ay tapang
Sa katotohanang
Naggagaling sa puso na
Magbibigay lakas loob kumalma..

Monday, November 30, 2015

Dyan sa kanto

Ate mag ingat ka
Dyan sa kanto
Maraming sira ulo

Ate mag ingat ka
Dyan sa kanto
May rapist na kalbo

Ate mag ingat ka
Dyan sa kanto
May pulis na abusado

Ate mag ingat ka
Dyan sa kanto
Madaming adik sa shabu

Ate uulitin ko
Mag ingat ka
Kinabukasan pangalagaan pa
Buhay ay pahalagahan pa

Sila

Silang mayroon
Silang may panahon
Kaming hindi makaipon
Kaming sa trabaho nakukuba maghapon

Silang exempted sa regulation
Silang may magagarang masyon
Kaming nag sisikap na magkaroon
Kaming nakukuntento na lang maghapon

Silang akala mo anak ng diyos
Silang lumalait sa aming kapos
Kaming walang magawa
Kaming laging inaalila

Silang nagpapagulo ng bayan
Silang nagpapatupad ng batas
Kaming dayuhan sa sariling bayan
Kaming wala ng tiwalang matakbuhan

Sila sila
Kami kami
Paano na kung laging sila
Paano naman kaming nakakarami ?

Sa tagal

nag iisa ka ng matagal
Umaasa sa pagmamahal
Pagod mo hindi na alintana
Basta para lang sa mahal mong hirap makita

Nakakailang taon na ba
Sa text at tawag kulang pa
Oras ay hindi na makita
Paano na ang pinunla

Mag iisa na lang sa anniversary
Kakain ng tinapay galing bakery
Magsusuot ng shades na black
Upang pagluha matakpan

Sa tagal ng pag hihintay
May inaasahan pa bang kulay
Pagmamahal naupos na
Pagmamahal naglaho na

Ipit

Ang sikip pero maluwag naman
Gustong kumita nakikipag siksikan
Ilang oras na ba ako dito
Aabutin ata ako hanggang pito

Sumasakit na puson ko
Paano kaya ito
Hindi naman ako makalabas
Siguradong sa sakit hindi ako ligtas

Aabutin na ko ng gabi
Yung balak kong gawin sa wala mauuwi
Naiinis akong isipin
Bakit nandito pa rin

Napapagod na rin ako
Paa ko'y namamanhid ng todo
Umiinit na pati ulo ko
Sa mga taenang sa singitan panalo

Hay trapik kelan ka ba mawawala
Pag hindi na ba uso ang kalsada?
Ano ba talaga ang tama
Tao o ang sistema?

Tuesday, November 3, 2015

light which is free


Well i want to sing this song
which i have been writing all along
and dedicated it for you
so that you can love it too

Every day i woke up
my mind started to be on top
my heart melt when i drop
and hear the words you said to me to stop

Every night i love it
going out for nothing to prove it
but one thing is clear to me
even in darkness i see the light which is free


Tuwid na Daan

Saan nga ba patungo
ang iyong pinangako
halos lahat kami naloko mo
baka umabot na ang hiya sa noo

may kasabihan ka pa
Tuwid na Daan iyong sinumpa
tatahakin mo kami dun
yun pala bako bako pala iyon

Halos wala na kong bilib
sa gobyernong binalot ng dilim
Tuwid na Daan isang patibong
sa dulo man hindi makikita ang pag sulong

Nilinlang mo kami
pinaniwalang tama ang iyong pinili
yun pala kasama ka din ng nakakarami
mga corrupt na opisyales sobra ang salapi

Mamamatay din kayo
maiisip nyo ang inyong mga niloko
sana makarma kayo
at magsama sama kayo sa impyerno

Saturday, September 26, 2015

Paalam na ba

Nakakalungkot man isipin
Pero kailangang tanggapin
Eto na pala ang huli
Tapusin muna ang trabaho bago umuwi

Nakakailang buwan na ba
Magkasama tayo nag bibigay saya
Nakikinig sa iba ibang tao
Dumadalamhati tuwing linggo

Eto na ba ang huli
Sana magkaroon uli
Ng kagaya nito
Na nagbibigay saya at talino


Isang buwan na rin

tatlumpung araw na pala
Hindi ko man lang napansin
Wala na ko nababanggit
Parang nabago na ang pamagat ng tula

Sa sobrang busy
Pagdadagdag ay napapahindi
Nakalimutan ko pala
Hindi pwede mawala ang tula

Sa haba ng araw na nagdaan
Parang wala na ko malagdaan
O kaya matandaan
O kaya matutunan

Pagpapaumanhin
Sana iyong damhin
Pasensya na
Hindi kita agad naalala

Wednesday, August 26, 2015

korapsyon

Hindi ka ba nabubusog tangina ka
inubos mo na lahat ng aming kaya
hindi ka ba nakokonsensya
pinaghirapan namin nanakawin mo pa

Hindi ka ba natatakot
sa karma ay magdudulot
ng walang hanggang sigalot
kasama ang pamilya mo malamang umabot

Mahiya ka naman
korapsyon ay tigilan
Tangina ka naman
Makonsensya ka naman

Bibig mo ay punong puno na
sa korakot , sinusupalpal pa
sa bulsa ang illegal na padala
pero yung maliliit na tao inaapakan pa

Mamamatay ka rin
pera mo mabubulok din
hindi mo madadala sa impyerno
ang lahat ng ninakaw mo


Kape

Hindi makatulog dahil sayo
Hinahanap ka ng buong mundo
instant or 3 in 1 mo
hindi magsasawang sa hatid mo

10 oras na pala akong gising
malamang hinahanap na ako ni misis
bibili muna ako sa starbucks
ng pampagising at pampa relax

Kape na inumin ng Pilipino
sa umaga ito ang kasalo
hatid ay kakaibang ibayo
pampa kalma pa ng ulo

Mapa cold or hot pa yan
basta kape hindi aatrasan
hindi ko kaya kape ay mawala
lalo na sa umagang , sa lamig pampawala

Monday, August 3, 2015

Himbing

Ako ay aalis na ng bahay
pero parang may pumipigil
sa paghakbang patungo sa pinto
napatingin sa pagtulog mong kay himbing

Nilapitan ka
dahang dahang tinitigan pa
mga mata mo na sadyang kay ganda
kahit sa pag tulog , may ngiting dala

Tinabihan kita
oras ay hindi na alintana
kahit pa mapagalitan sa opisina
ayaw kong sayangin ang bawat kabanata

Niyakap kita
Hindi ko kaya atang umalis
ng hindi ka man lang mayakap ng saglit
mahalikan at mahaplos, tuwang abot langit

Tulog ka lang aking anak
hayaan mo na ang tatay nakatabi sayo
babantayan kita hanggang sa pag gising
kasabay ng umagang sobra ang blessing.

Galing ng Pilipino

Ikaw na lumalaban sa ibang lahi
ikaw na nagbigay hustisya sa maraming taon ng pang aapi
Ikaw na nagwagayway ng watawat
hindi man lang sumuko at naging tapat

Pilipino ang tawag sa yo
kinikilala sa buong mundo
nagiging pamantayan ng bago
nagsisilbing haligi sa trabaho

Walang sawang nagpapawis sa init
basta maibigay lahat ng gusto
ng pamilyang naghihintay sa pag uwi mo
nakangiting sasalubong at mamano

Pilipino ka , ikaw ay Pilipino
sinasagupa ang bagyo
inaapakan ang kurakot na pulitiko
naninindigan sa pagiging totoo

Sa galing ng Pilipino
kinikilala sa buong mundo
tayo ay Pilipino
sa isip , sa salita at sa gawa .. Pilipino ako!

Saturday, July 25, 2015

A day

Nothing can beat this day
A beautiful morning in the bay
Sun shines deeply colorful
On the cloud fill with happy soul

This might be the day i will get lucky
A smile on my face dearly
A positive thought see it clearly
As i say , this day is lucky

Walking down this alley
Thinking of forever of best in me
It's God who i want it to see
It's all positive for me

Monday, July 20, 2015

bati tayo

Hawak hawak kamay
Laro ng kalamay
Galaw galaw
Mag iiba din ang sayaw

Talon talon talon
Lundag lundag pa man
Sasayaw sa tunog
Mag eenjoy sa kalabog

Bati tayo
Yakap mo
Yakap ko
Halik mo
Halik ko
Enjoy tayo
Galaw mo
Galaw ko
Sayaw mo
Sayaw ko

Bati tayo
Sumabay mag enjoy

Sa Aking Kamay

Panginoon ako po ay nagsusumamo
Humihingi ng patawad mo
Sa aking kamay nabago
Ang buhay na aking nakuha sa iyo

Sa aking buhay na sagana
Nakakalimutan kong sumamba
Sa pagdadasal hindi na ginagawa
Patawad ang hinihingi ko po sa iyong awa

Sa aking kamay naging manloloko
Lahat sinakop ng tukso
Buhay nasira at huminto
Ayaw ko ng mabuhay kung ganito

Panginoon hawakan mo ulit ako
Gabayan mo
Sa tukso ilayo
Turuang maging totoong tao

Monday, July 6, 2015

words

I have a simple words to say
I love you please stay
No matter what happened yesterday
Sorry is the word for the day

I missed your smile
Your kiss and love
I missed it all
Please forgive me my love

Words can not describe
How sorry i am
How pity i am
How sinner i am

Words can not subside
Your anger at me
Your frustration
Your depression you see

I missed your heart
Please dont let it apary
I beg you to stay
Even for this day

si panotski

Panotski
Panotski
Magaling na lalake
Mahilig din sa babae

Simpleng buhay
Nauuna ang tagay
Umaga na umuuwi ng bahay
Sa alexa pera nalulustay

Masarap na alay
Magkawanggawa ng tunay
Sa,mga babaeng walang malay
Bigyan ng ladies sabay kampay

Enjoy na gabi
Tumigas man ang nais
Hindi pa,rin kayang iuwi
Tropa nabusog sa ngiti

Panotski
Panotski
Tayo ng umuwi
Siguradong ako'y gulpi
Sa misis kong galit nakagabi

palengke

Maaga pa lang gising na sila
Naghahanda ng paninda
Nagkakape kasabay ng umaga
Hindi alintana ang puyat na dala

Isda, gulay at ano ano pa
Basta sa marangal kumikita
Hindi kagaya ng pulutikong
Kumikita sa pawis ng iba
Kinakamkam pati ang huling luha

Sigaw ng sigaw
Mapaubos ang huling sitaw
Hindi napapagod
Dahil alam nila pag uwi may hahagod

Mahirap man ang buhay sa palengke
Nabubuhay naman ng marangal na byahe
Hindi kagaya ng pulitikong buwaya
Nagpapasarap sa pawis ng masa
Mas malansa pa sa bulok na isda

Sa Pagpatak ng Ulan

Minsan hindi mo na alam
Ang gagawin , sasabayan pa ng ulan
Sa tanawin mong nasisilayan
Hirap na walang katapusan

Minsan napapaisip ka
Tila problema ay nagbabadya
Sa pag iisa ikaw ay nagdurusa
Isabay mo lang sa pag patak ng ulan

Problema nandyan
Kasama ng Kalungkutan
Isipin mo lang
Daraan lang ang ulan

Minsan nag iisa ka
Nalulungkot pag walang kasama
Napalingon ka na ba?
nandito kami pang tanggal kaba

Minsan umiiyak ka na
Sinabay mo sa bagyong dala
Pumikit ka at magdasal pa
Darating din ang bagong ginhawa
Na dala ng ulan

Tuesday, April 28, 2015

Bora2015


Nandito na kami
sa haba ng aming byahe
may van, aeroplane, bus at bangka
sa wakas natanaw ko na rin ang bora

mula montalban hanggang visaya
dinayo pa para maging mabongga
ang pagsasaluhan sa init ng araw
kahit pagod na galak lumilitaw

mga picturang sobrang gulo
aabangan ang araw sa pag baba nito
mag popose sa tabi ng dagat
kabila kabila maraming nakabakat

Nandito na kami ng pamilya
walang humpay ang aming saya
sa gastos ay hindi alintana
konting tipid kasi mahal dito talaga

Pasalamat kami sa aming hotel
mayron slang swimming pool
at least sa dagat na puro lumot
Mayo kasi kaya nakakaburot

Hindi na mawari kami ay uuwi na
nakaka-miss maulit ang saya
lahat kami napagod na
maghapon sa beach na tuwang tuwa

Tanggal Init

Halika na sumama ka na
tayo nang lumarga
sa init ng panahon tayo ay magsaya
isama na ang magugulong tropa

Huwag kalimutan mag dala
ng maiinom at machichicha
sa tabi ng dagat tayo ay kakanta
ng malakas at masaya

Ihanda na ang pang swimming
kahit butas na boxer iyong i-bring
basta matuloy lang ang tanggal init
mag lalangoy hanggang dumilim

Magsama ka pa ng iba
yung tipong sexy ang kurbada
para naman may makausap
sa init ay matanggal ng sagad

Halina na at mag tampisaw
tanggalin ang init ng dala ng araw
Halina na at mag saya
ibuhos ang lahat basta kasama ang tropa

Thursday, April 23, 2015

Lasing


Umiinit na naman ang ulo mo
bakit kasi hindi ka magtrabaho
wala naman mapapala ang kagaya mo
kain tulog, sa gabi alak ang katoto

Mag uumaga na pala
wala ka pa sa kama
malamang inabot ka na naman
ng sobrang kalasingan sa daan

Tinanaw ang bintana
nakita ka , pagewang gewang lakad
mga kapitbahay napapatingin
baka kasi bigla ka na naman mahulog sa bangin

Halos wala ka ng iniiisip
sa tropa mo inuubos ang oras
ng maghapon na kakatambay
mahiya ka naman, lumipat ka kaya ng bahay


Natulala

Maghapon sa kalsada
Trabaho na walang sawa
Init ay hindi alintana
Basta lang may mapapala

Tinext ko number mo
Kahit pa bawal sa pagmamaneho
Inaalam kung saan tungo mo
Baka pwede magkita tayo

Bigla kang nag reply
Natapos din ang pag hihintay
Inaya kita na magkape
Sumagot ka bakit kape lang ang libre

Nagmamadali na pumunta ng mall
Medyo nahirapan pa sa parking hall
Mag alis sais na tingin sa phone
Baka nagtext ka na kung dumating dun

Nag abang na sa escalator
Inayos ang sariling gamit at damit
pag baba nakita ang dalaga
ayos ikaw pala ay gumanda

sa kapehan ako'y nakatitig lang
sa iyong mukhang halos hindi tumanda
nag aabang sa ganda ng iyong ngiti
nagpapatulala sa pusong kong pighati

Sana maulit uli
sandaling kasama ka sa kapehan
kwentuhang walang katuturan
tawanang sobrang saya hanggang uwian

Isa Dalawa Tatlo

Isa dalawa tatlo
ang tatay mong kalbo
nahuli na naglalaro
ng apoy ng iyong tito

Isa dalawa tatlo
ang nanay mong inuubo
halos umabot ng dalawang linggo
sakit nya patuloy ang pag durugo

Isa dalawa tatlo
magtago ka na tiyo
hinahanap na ni tiya ang sweldo
naubos ba sa tupada dun sa san mateo

Isa dalawa tatlo
namimili na naman ang pulitiko
ng mumurahing pagkatao
ang karapatan ng bumuboto

Isa dalawa tatlo
maraming nauuto
pangaral ng Diyos ginawang pang goyo
darating din ang oras para sa kanilang palalo

Isa dalawa tatlo
mananahimik na ako
baka dalawin pa ninyo
at isip nyo ay biglang magbago

Sunday, March 22, 2015

Dahon

Nag simula sa buto
Dahil sa alaga ikaw ay nabuo
Mga sanga yumabong ng magarbo
Kasabay nitong bagong siglo

Naranasan ang katanyagan
Nakilala sa iyong katalinuhan
Nabuhay sa ganung kalinlangan
Pag abuso hindi na mabilang

Buhay natin parang dahon
Malalaglag pagdating ng panahon
Walang makakaalam kung kailan 
Basta ito ay iyong ingatan

Katawan natin parang kahoy
Rurupok pag ikaw ay natukoy
Sa kapalaluan at panaghoy
Mauusal sa Diyos dasal ng nakaratay

Thursday, March 5, 2015

Stay for a while

I know how i feel
When i need to seal
My feeling for you

Just pray for us
Keep the love alive
Our feeling grows

Stay for a while
Lock my heart
Dont let it apart

Susunod

Kanina pa ako nandito
Nag aabang kung magtatagpo
Nakatingin sa aking relo
Ano ba ? San ka na ba? Malapit ng mag alas otso

Tinext naman kita
Pinaalala ang usapan natin kanina
Dali dali ba naman akong pumorma
Ang akala ko maaga kitang makikita

Tawag na ako ng tawag
Mukang tagilid at may kabag
Pinagpapawisan at kinakalampag
Ang upuan ko na kanina pa pumapalag

Sa wakas dumating ka na
Bigla akong nagalit ikaw may kasama
Pinakilala sa akin ang iyong asawa
Ako'y biglang nabigla at natulala

Sa susunod makikinig na ako
Sa susunod bigyang halaga mga payo
Sa susunod mag iisip muna ako
Sa susunod .. Susunod na lang ako

Wednesday, March 4, 2015

Ka-pagod na Byahe


Umaga pa lang nag hahanda na
bubuksan ang tv sa sala
manonood ng balita
habang kumakain ng empanada

Magkakape
kahit walang pambili
mainit na tubig sa tabi
lalagyan ng matamis para may silbi

Maliligo na ako 
mag sasabon ng buong katawan
magdyadyati pa kung kailangan
baka may ideyang lumabas sa aking isipan

Paglabas ng bahay
naku po inday
mahaba na ang pila 
sa sakayang konti lang ang may kaya

Maghihintay ng 1 oras pa
bago makasakay, 
makasakay man ay kulang pa
ang antok ko na sobra sobra

Pag dating sa opisina
mabubulyawan pa ng among matanda na
na ang mukha hindi kayang ipinta
kulubot na katawan na naglalangis pa

Byahe na naman pauwi ng bahay
ay naku eto na naman ang sakay
sasabit sa jeep na gumegewang
magdadasal na sana makauwi ng walang kalawang

araw araw ganito
sa byaheng kapagod at lito
sakit sa bangs pag wala masakyan
mabwibwisit pag naabutan pa ng ulan

Sa Wakas

Matagal ko ng pinapangarap ang yakap mo
makasama ka sa hating gabi na pinalano
maglalakad sa mahabang pasilyo
papunta sa malamig at tahimik na kwarto

Matagal ko nang hinihintay ito
makakwentuhan ka ng totoo
nang walang magugulo
harap harapan ng solo

Pangarap ko lang na maging tayo
pero sa sandaling ito nabago
lahat pala may nakalaang tagpo
na pagsasamahin ang iniibig ng totoo

Sa wakas nandito na tayo
magtitigan ng buong puso
magyayakapan ng walang biro
maghahalikan ng buong buo

Sunday, February 8, 2015

Pangarap

Ako'y napapa-rap
Naghahanap
Naghahabol ng tapat
San ba aabot ang pangarap

Simula pa ng ako'y natuto
Makinig sa kapitbahay ng radyo
Mga bitawang salitang may tono
Napapa indak at unti unting nabubuo

Mga letra na lumalabas sa bibig
Mga idolong makata galing sa tubig
Nagpapa takbo sa gulong ng pangarap ko
Natutuwa kapag sinusundan ang tono

Solid

Banggain mo man
Suntukin mo man
Hindi matitinag kailanman

Solid
Matibay na lubid
Sa malalim sumisisid
Kumakaway sa himapapawid

Apakan mo man
Hawakan at tangnan
Hindi matitinag saan man

Solid
Hindi kayang mapatid
Mahigpit na hatid
Agad mong mababatid

Hindi nyo kami matatakot
Kahit pa sa sang libong sundalo
Pagmamayagpag namin aabot
Sa unahan hanggang dulo

betnog

Kilala siya sa tawag na betlog
Pero mas angat ang galing ni nognog
Magkapatid pero magkaiba
Ung isa tingting isa naman mataba

Hindi mo kakayanin tipo ni betlog
Kahit ang lakas ni nognog
Pag sila nag sama may maiitlog
At tatawagin mo silang betnog

Batikan sa ibat ibang larangan
Ang magkapatid kahit sa lansangan
Hindi papatalo sa inuman
Kahit pa abutin ng umagahan

Pagpinagsama sama ang itlog
Lilitaw ang kakaibang betnog
Mainit at boplog
Boplog na maitim BETNOG

Saturday, January 17, 2015

Minsan

sabi nila ok lang ang minsan
pero ang minsan ay nakakasama din
nakakadagdag din ng isipin
dahil ang minsan ay hindi na pwede balikan

sabi nila ok lang ang minsan
minsang madadapa ka at lalaban
minsang masasaktan at tatayo
minsang maniniwala ka at lalayo

sabi nila ok lang ang minsan
sabi ko hindi ganun ang minsan
may min sang masaya at min sang malungkot
na magugulat ka na lang sa hilakbot

nasa sayo ang paniniwala
kung ang minsan ay ok ba
basta manalig ka na lang sa itaas
gagabay siya at ikaw ay ililigtas

Tuesday, January 13, 2015

Montalban


wala ka sa aming lugar
kung saan uso ang nabubulgar
kahit saan ka tumingin 
maninibago ka sa kakaibang dating

mga babae dito ay pihikan
sa katulad mong modernong wala naman
kala mo ba wala dito ang pagyaman
maraming iba sinasamantala ang kabundukan

ano pa man ang sabihin mo
mapipipi ka lang sa nais mo
makakalimutan mo pati pangalan mo
kung magiging kabilang ka sa lugar na ito

dito sa amin tuwang tuwa
simpleng mundo nagagalak na
pano ikaw na nabuhay sa moderno
magtatagal ka ba sa sitwasyong ganito

hangin dito ay malamig
mga tao ay malambing
kapaligiran ay malinis
mga bunga ay matatamis

Reason

Am I here?
I see my feet dirty
even i tried to polish it

Do I know me?
looking at the mirror
i see blank face in sore

Reason?
i need one
i guess you will help me now

Forgiveness?
i want one
i'm hoping you could give me one

Loved?
Neither of it i never felt
where could be my heart to stay and be wealth

Wednesday, January 7, 2015

Soul Searching


The road seems so endless
travelling down is so pointless
how could you be so careless
and stubborn , so reckless

you are the best of the best
just find your true happiness
don't let someone take your place
in your soul searching of true grace

You are the one
the one knows to hand
memorising those lines
forgetting what you have done

there's no point in arguing
we believe you could be liking
those around you that you're betting
of letting one and  having one loving

Batang Makulit


Ayan ka na naman
kinukulit ang lahat ng nadaan
ayaw paawat sa kakulitan
gayong pasaway ka na sa karamihan

nakikipaglaro ngunit nangangaway
silang mga katulad mo na pasaway
magtino tino ka nga bata ka
baka ikaw ay mapalo ng bahagya

ayaw sumunod sa utos ni nanay
tumatakbo pag may ibibilin ikaw ay nasanay
ano ba ang gagawin sayo ng iyong tatay
para naman magtino ang utak mong sablay

sa pag aaral nahuhuli
kaklase laging binubully
alam mo bang bawal ang ganyan
paguwi mo lagot ka sa bahay


Paumanhin

Sadyang matalas ata ang salita ko
nakakasugat ng puso
pagpasensyahan nyo na po
hindi na muulit ito

Natatakot na makasakit
nababahala na hindi mawaglit
kahit pa sabihin ng saglit
parang kutsilyo ang galit

nadadarang sa mga nasabi
nagliliyab na sa tabi
sumisigaw ng sandali
napapaisip kung ito ba ay mali

paumanhin sa aking nasabi
pagpapatawad mo ang hiling
na sana ay iyong mabatid
mula sa puso aking paumanhin